Nagpadala ang lokal na pamahalaan ng Davao ng rescue at medical team sa mga biktima ng bagyong Odette sa Bohol.
Kabilang sa mga grupo ang City Health Office, Davao City Central Emergency Medical Services (EMS), Urban Search and Rescue (USAR), Fire Auxiliary Services (FAS) at mga doktor mula sa Southern Philippines Medical Center (SPMC).
Pupuntahan ng mga ito ang munisipalidad ng Ubay sa nasabing probinsya para sa relief at rescue operation.
Matatandang nakasailalim sa state of calamity ang Bohol, dahil sa epekto ng naturang bagyo.