Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang bayan ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental at maging ang bayan ng Esperanza sa Agusan del Sur.
12:06 kaninang madaling araw nang lumindol sa bayan ng Jose Abad Santos na ang sentro ay naitala sa 86 na kilometro silangan ng Jose Abad Santos.
Ang nasabing lindol ay may lalim na 131 kilometro at tectonic in origin.
Samantala, 7:24 naman ng umaga nang yanigin ng lindol ang bayan ng Esperanza.
Ang naturang lindol ay may lalim na 17 kilometro at tectonic in origin.
Sinabi ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS na wala namang inaasahang pinsala at aftershocks mula sa mga nasabing lindol.