Niyanig ng magnitude 3 na lindol ang Davao Occidental at Surigao del Norte kaninang madaling araw.
Unang naitala ang lindol sa layong 244 na kilometro silangan ng Sarangani sa Davao Occidental kaninang alas-3:50.
Alas-4:17 naman ng madaling araw ng maitala ang pagyanig sa layong 31 kilometro kanluran ng bayan ng Burgos sa Surigao del Norte.
Kapwa tectoinic ang dahilan ng mga pagyanig.
Wala namang napa-ulat na napinsala sa naturang paglindol.
Cebu
Samantala, niyanig naman ng 3.1 na lindol ang Cebu kaninang umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 11 kilometro timog ng Lapu-Lapu City.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 32 kilometro.
Naramdaman ang intensity 3 sa Cebu City at Mandaue City.
Hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala ang nasabing lindol.
—-