Niyanig ng dalawang magkasunod na lindol ang Davao Occidental kaninang madaling araw.
Unang tumama ang magnitude 3.2 na lindol kaninang alas-3:38 ng madaling araw kung saan natukoy ang sentro nito sa layong 107 kilometro Timog ng Jose Abad Santos.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 12 kilometro.
Alas-4:16 naman ng madaling araw nang tumama ang magnitude 4.1 na lindol kung saan ang sentro nito at nasa 44 kilometro timog ng Jose Abad Santos at may lalim na 55 kilometro.
Wala namang inaasahang pinasala sa naturang pagyanig.
—-