Tinamaan ng magnitude 5.4 na lindol ang Davao Occidental. Ayon sa PHIVOLCS, naganap ang pagyanig bandang 10:22 ng umaga sa layong 388 kilometers Timog Silangan ng Balut Island sa bayan ng Sarangani.
Nabatid na tectonic ang pinagmulan ng lindol at may lalim na 64 kilometers.
Sinabi ng Phivolcs na wala naman silang naitalang pinsala at wala ring inaasahang aftershocks sa nasabing pagyanig.