Niyanig ng magnitude 3.2 na lindol ang Davao Occidental.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 223 kilometro timog silangan ng Sarangani.
Tumama ang lindol kaninang alas-7:00 ng umaga kung saan tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na tatlong kilometro.
Makalipas lamang ang 30 minuto ay niyanig naman ng magnitude 3.1 ang Occidental Mindoro.
Naitala naman ang sentro nito sa 16 na kilometro hilagang silangan ng Paluan.
Wala namang inaasahang pinsala at idudulot na aftershocks ang naturang pagyanig.
—-