Niyanig ng magnitude 4.3 na lindol ang Davao Occidental kaninang madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 273 kilometro timog silangan ng Sarangani.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 15 kilometro.
Wala namang inaasahang napinsala at aftershocks sa naturang lindol.
—-