Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Davao Occidental.
Ayon sa PHIVOLCS o Philippine Institute for Volcanology and Seismology, natunton ang epicenter malapit sa Sarangani at may lalim na 72 kilometers.
Naitala ang lindol ilang linggo matapos ang magnitude 6.7 na pagyanig sa Surigao del Norte.
Nilinaw naman ng PHIVOLCS na walang aftershocks o naitalang pinsala sa naturang insidente.
By Jelbert Perdez