Niyanig ng magnitude-4 na lindol ang Davao Occidental kagabi.
Ayon sa PHIVOLCS, tectonic ang origin ng lindol na naramdaman ganap na alas-dyes katorse kagabi.
Namataan ang sentro ng pagyanig, 104 kilometers southeast ng bayan ng Jose Abad Santos, na may lalim na 78 km.
Intensity 1 naman ang naramdaman sa bayan ng Malungon, Sarangani.
Pahayag ng PHIVOLCS, wala namang inaasahang anumang pinsala o aftershocks kasunog ng nangyaring pagyanig.