Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol ang munisipalidad ng Jose Abad Santos sa Davao Occidental.
Sa inilabas na abiso ng PHIVOLCS, naganap ang pagyanig dakong alas-10:42 kaninang umaga.
Namataan ang epicenter ng pagyanig sa naturang lugar at may lalim na 61 kilometers at napagalamang tectonic ang naging sanhi nito.
Naramadaman ang intensity number III ng lindol sa Malungon sa Sarangani; habang ang Intensity number II naman ay naitala sa General Santos City; Malita sa Davao Occidental; Alabel at Kiamba sa Sarangani, ang intensity number I naman ay naitala sa Tupi sa South Cotabato.
Sa kaparehong abiso ng PHIVOLCS, naitala rin ang instrumental intensities sa mga sa iba pang lugar.
Sa ngayon ay wala pang naitatalang pinsala ng lindol pero nagbabala ang PHIVOLCS sa posibleng aftershocks.