Niyanig ng magnitude 5.6 na lindol ang Davao Occidental dakong 8:24 p.m. ng Huwebes, Disyembre 5.
Ayon sa Phivolcs, naitala ang sentro ng lindol sa 169 kilometro timog silangan ng Jose Abad Santos, Davao Occidental
Naramdaman ang Intensity III sa Glan, Malapatan, at Alabel, Sarangani.
Intensity II sa General Santos City, Koronadal City, at Tampakan, South Cotabato.
Naitala rin ang Instrumental Intensities sa:
Intensity IV- Malungon, Sarangani;
Intensity II- General Santos City; Tupi, South Cotabato; Kiamba Sarangani
Intensity I- Ginoog City
Tectonic ang dahilan ng pagyanig.
Nagbabala naman ang Phivolcs sa posibleng aftershocks.