Niyanig ng lindol ang southern Mindanao, kaninang hatinggabi.
Dakong alas-12:38 nang tamaan ng magnitude 6.4 ang lalawigan ng Davao Occidental.
Natunton ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) ang sentro ng pagyanig, 313 kilometro, timog-silangan ng bayan ng Sarangani.
Malayo sa kalupaan ang nasabing lindol na tectonic ang origin at lalim na 29 na kilometro.
Naramdaman naman ang intesity 1 sa bayan ng Alabel, Sarangani Province.
By Drew Nacino