Niyanig ng magnitude 6.4 na lindol ang Jose Abad Santos sa Davao Occidental ngayong Huwebes ng gabi, Pebrero 6, dakong 9:40 p.m.
Naitala ang epicenter ng lindol sa layong 85 kilometers timog silangan ng Jose Abad Santos at may lalim itong 47 kilometers.
Ayon sa Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol.
Naramdaman ang pagyanig sa mga sumusunod:
- Intensity III- Davao City; General Santos City; Alabel, Sarangani
- Intensity II- Magsaysay, Davao del Sur
Instrumental Intensities
- Intensity IV- Malungon, Sarangani
- Intensity III- Alabel, Sarangani
- Intensity II- General Santos City; Koronadal Coty at Tupi, South Cotabato
- Intensity I- Kidapawan City
Inaasahan ng Phivolcs ang aftershocks kasunod ng nangyaring pagyanig.