Isasailalim sa Enhanced Community Quarantine ang Davao Oriental simula Setyembre 8 hanggang 21.
Ito, ayon sa provincial government, ay bunsod ng pagsirit ng COVID-19 cases sa lalawigan.
Kabilang sa mga ipatutupad ng lokal na pamahalaan ang curfew simula alas-8 ng gabi hanggang ala singko ng madaling araw kinabukasan at 24-hour liquor ban.
Kasado na rin ang mahigpit na border control upang mapigilan ang mga non-essential travel.
Umabot na halos 5,600 ang covid-19 cases sa lalawigan kabilang ang tinatayang 1, 230 aktibong kaso habang 159 na ang namatay. —sa panulat ni Drew Nacino