Muling niyanig ng lindol na may lakas na 5.4 magnitude ang karagatang sakop ng Davao Oriental.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), namataan ang lindol, 93-kilometers SouthEast part ng Governor Generoso, ganap na 5:45 ng hapon kahapon.
Tectonic umano ang origin ng pagyanig na may lalim na 75-kilometers.
Naramdaman ang intensity V sa Mati City, intensity IV sa Davao City at intensity II sa South Cotabato.
Naitala rin ang intensity IV sa Alabel, Sarangani, intensity III sa General Santos City at Kiamba, Sarangani, at intensity I sa Bislig City.
Pahayag ng PHIVOLCS, ang magnitude 5.4 na lindol ay isang aftershock mula sa magnitude 6.2 earthquake na yumanig rin sa naturang lugar noong nakaraang Biyernes.