Nakaranas ng aftershock ang coastal area ng Davao Oriental, dakong ala-singko trese ng hapon kahapon matapos ang 7.2 na lindol na unang yumanig sa nabanggit rin na lugar.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), nangyari ang aftershock sa layong 145 kilometers – silangang bahagi ng bayan ng General Generoso at may lakas na 5.6 magnitude.
Tectonic umano ang origin ng lindol kungsaan namataan ang epicenter nito sa lalim na 43 kilometers.
Naramdaman naman ang intensity 2 sa Manay, Davao Oriental, habang intensity I sa mga lugar ng Gingoog City, Misamis Oriental; Kiamba at Alabel, Sarangani; Tupi, South Cotabato at General Santos City.
Pahayag ng PHIVOLCS, walang inaasahan na anumang pinsala kasunod ng nangyaring aftershock.
Naganap ang panibagong pagyanig, makalipas ang halos anim na oras matapos ang magnituide 7.2 earthquake na unang tumama sa baybayin ng Davao Oriental.