Niyanig ng walong magkakasunod na lindol ang Davao Oriental ngayong araw.
Ayon sa PHILVOLCS, yumanig sa may bahagi ng Tarragona ang karamihan sa mga lindol na may lakas na magnitude 3.0 hanggang 3.9.
Naitala ang pinakamalakas na magnitude 3.9 sa layong 124km sa timog silangan ng Tarragona.
Ang pangwalo naman na magnitude 3.4 ay naitala kaninang bandang alas-2:25 ng hapon.
Samantala, wala namang naitalang nasaktan o nasawi at wala ring inaasahang aftershocks sa mga naturang pagyanig.