Niyanig ng lindol ang Davao Oriental kagabi
Alas nwebe trese nang maitala ang magnitude 5.2 na lindol sa bayan ng Governor Generoso.
Natunton ng PHIVOLCS ang sentro ng pagyanig, 130 kilometro, timog silangan ng nasabing lugar.
Naramdaman ang intensity 4 sa Don Marcelino, Davao Occidental at Jose Abad Santos;
Intensity 3 sa Governor Generoso, Davao City, Mati City, San Isidro At Banaybanay, Davao Oriental; Nabunturan, Davao De Oro;general Santos City At Tupi, South Cotabato; Arakan, Cotabato; Alabel At Malapatan, Sarangani;
Intensity 2 sa Tampakan At Polomolok, South Cotabato; Maco, Mawab, Monkayo at Nabunturan, Davao De Oro; Glan at Kiamba, Sarangani; Lupon, Manay at Tarragona, Davao Oriental;
Intensity 1 naman sa Caraga, Baganga, Cateel at Boston, Davao Oriental; Maasim at Maitum, Sarangani.
Samantala, wala namang naiulat na pinsala dulot ng lindol pero asahan ang aftershocks. – sa panulat ni Hannah Oledan