Niyanig ng magnitude 3.4 na lindol ang Davao Oriental kaninang madaling araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 99 timog ng bayan ng Tarragona.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig na may lalim na 200 kilometro.
Wala namang napaulat na napinsala at wala ring inaasahang aftershocks sa naturang pagyanig.
—-