Panibagong lindol na naman ang yumanig sa lalawigan ng Davao Oriental.
Ayon sa PHIVOLCS, dakong 4:53 a.m. kanina nang yanigin ng magnitude 5.3 na lindol, 10 kilometers hilagang-silangan ng Manay, Davao Oriental.
May lalim itong 120 kilometers at tectonic ang pinagmulan.
Naitala rin ang Instrumental Intensities sa:
- Intensity III sa Alabel, Sarangani;
- Intensity II naman sa Tupi, South Cotabato at General Santos City; at
- Intensity I sa Kiamba, Sarangani.
Bagaman walang inaasahang dulot na pinsala ang naturang lindol ay inaasahan naman ang mga aftershocks matapos ang nangyaring pagyanig.
Ilang minuto matapos maglabas ng impormasyon ang PHIVOLCS kaugnay sa naturang lindol ay ibinaba naman sa magnitude 5.2 mula sa magnitude 5.3 ang lakas ng lindol.
Samantala, sinabi naman ni Renato Solidum, Department of Science and Technology (DOST) Undersecretary at PHIVOLCS director, sa panayam ng DWIZ, na walang kaugnayan ang naramdamang pagyanig sa North Cotabato, lagabi, dahil magkaiba aniya ang pinanggalingan ng dalawang lindol.
Wala po silang koneksyon, magkaiba po sila ng origin at hindi po pwedeng ma-ugnay,” ani Solidum.
Magugunitang niyanig ng magnitude 6.3 ang Tulunan, North Cotabato, kagabi.