Niyanig ng magnitude 5.4 na lindol ang Davao Oriental dakong alas-2:58 ng umaga ngayong Lunes, January 6.
Naitala ng PHIVOLCS ang sentro ng lindol sa layong 72-kilometro, timog-silangan ng bayan ng Governor Generoso.
May lalim itong 50-kilometro at tectonic ang pinagmulan.
Naramdaman naman ang Intensity IV sa Governor Generoso; Intensity III sa Alabel at Malungon, Sarangani; Intensity II sa Kiamba, Sarangani; General Santos City, at Tupi sa South Cotabato; at Intensity I naman sa Koronadal City.
Wala namang inaasahang pinsala matapos ang pagyanig, ngunit ibinabala naman ng PHIVOLCS ang posibleng maranasang mga aftershocks.