Niyanig ng magnitude 3.5 na lindol ang Davao Oriental kaninang alas 2:46 ng madaling araw.
Ayon sa PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 63 kilometro silangan ng bayan ng Tarragona.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na 20 kilometro.
Wala namang inaasahang aftershocks o pinsala sa naturang paglindol.