Niyanig ng magnitude 4.2 na lindol ang Davao Oriental kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong anim na kilometro timog ng Caraga.
Tectonic ang pinagmulan ng pagyanig at may lalim na isandaan at apatnaput pitong (147) kilometro.
Wala namang napaulat na napinsala at wala ring inaasahang aftershock sa naturang paglindol.
—-