Niyanig ng magnitude 5.0 na lindol ang Davao Oriental kaninang umaga
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHILVOCS) naitala sa bayan ng Baganga ang episentro ng lindol na may lalim na 129 KM.
Samantala naiulat naman sa bayan ng Nabunturan, Davao de Oro ang intensity two ng lindol habang intensity one naman sa mga bayan ng malapatan at Alabel sa Saranggani.
Kasama na ang Don Marcelino Davao Occidental at General Santos City sa South Cotabato.