Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Davao Oriental pasado 4:53 kaninang umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), naitala ang epicenter sa hilagang kanluran ng Manay, Davao Oriental.
Tectonic ang origin ng lindol na may lalim na120 kilometro.
Nilinaw naman ng PHIVOLCS na hindi ito isang aftershock ng 6.3 magnitude na lindol sa Cotabato kagabi.
Naramdaman naman ang intensity 3 sa Alabel, Sarangani, Intensity 2 sa Tupi South Cotabato at General Santos City.
Intensity 1 naman sa Kiamba, Sarangani City.