Naitala ang magnitude 5.9 na lindol sa Manay, Davao Oriental kaninang 9:23 ng umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), may lalim itong 49 kilometro at tectonic ang origin.
Natunton ang episentro ng lindol sa layong 54 kilometro ng timog silangang bahagi ng bayan ng Manay.
Naramdaman ang Intensity II sa Bansalan, Davao Del Sur.
Sinabi ng PHIVOLCS na posible umano ang mga aftershock at pinsala kasunod ng pagyanig.