Binulabog ng magnitude 6.0 na lindol ang ilang bahagi ng Davao Oriental kanina bago mag-tanghalian.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, natukoy ang sentro ng lindol sa layong 31 kilometro ng bayan ng Tarragona at may lalim na 27 kilometro.
Naramdaman naman ang intesity 4 sa Mati City, intensity 3 sa Davao City, Cagayan de Oro City, General Santos City maging sa Borongan sa Eastern Samar.
Samantala, naiatala naman ang intensity 2 sa Bislig City sa Surigao City, Koronadal City at Alabel Sarangani habang intensity 1 sa iba pang lugar sa Bislig City, Kidapawan, Talibon sa Bohol , Palo sa Leyte at Cebu City.
Wala namang napaulat na napinsala sa naturang pagyanig.
—-