Inuga ng malakas na lindol ang ilang bahagi ng Mindanao, kanina.
Ala-1:46 ng madaling araw nang tumama ang magnitude 7.3 sa lalawigan ng Davao Oriental.
Natunton ng Phivolcs ang sentro ng pagyanig, 19 na kilometro, hilagang-silangan ng Mati City at may lalim na 69 na kilometro.
Naramdaman ang intensity 5 sa General Santos City, intensity 4 sa Koronadal City; Tampakan, South Cotabato at Kiamba Sarangani; intensity 3 sa San Francisco, Southern Leyte, Abuyog, Leyte, Kidapawan City, Cotabato at Hinunangan, Southern Leyte.
Intensity 2 naman sa Saint Bernard, Southern Leyte, Dulag, Leyte, Surigao City, Surigao Del Norte, Palo, Leyte at intensity 1 sa Alangalang, Carigara, Leyte.
Tectonic ang origin ng lindol habang inaasahan na ang aftershocks.