Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang paglulunsad ng Davao Public Transport Modernization Project (DPTMP) noong February 7.
Sa kanyang talumpati, sinabi ni Pangulong Marcos na hindi lang mapapadali ng proyektong ito ang biyahe sa Davao, kundi maghahatid sa lungsod patungo sa isang modernong kinabukasan.
Ang DPTMP ay isang 672 km bus route network na magsisilbi sa 29 interconnected routes sa Davao City. Layon nitong magtatag ng isang modernong public bus transport system sa lungsod na may electric bus at Euro-5 standard diesel bus.
Nabuo ang DPTMP dahil sa pagtutulungan ng public at private sectors, at Asian Development Bank (ABD) na naging investor nito.
Bahagi ang naturang proyekto sa pagsisikap ng Department of Transportation (DOTr) na pahusayin ang sistema ng pampublikong transportasyon sa bansa sa pamamagitan ng paglikha ng isang reliable, safe, at comfortable passenger experience, kasabay sa pagbawas ng air pollutants at greenhouse gas emissions.
Sa oras na matapos, inaasahang mapakikinabangan ang DPTMP ng 800,000 commuters kada araw. Makapagbibigay rin ito ng higit sa 3,000 na trabaho para sa mga Pilipino.
Para kay Pangulong Marcos, ipinagtibay ng DPTMP ang pangako nitong paunlarin ang rehiyon ng Davao.
Ika nga niya, “This project is more than bringing people and their products to their destinations safe and sound. It should be rightly viewed as a major vehicle that will bring us to a better tomorrow. This is more than just the Ceremonial Signing for the Civil Works Contracts for the DPTMP. It is a strong reaffirmation of our commitment to develop the Davao Region.”