Muling nakapagtala ng kaso ng African Swine Fever (ASF) sa Davao Region.
Ito’y matapos ang napaulat na pagkamatay ng mga baboy sa Bansalan, Davao Del Sur.
Sa ngayon ay inaalam pa ng Department of Agriculture (DA) kung saan maaaring nagmula ang bagong kaso ng ASF.
Una rito, apat na buwan ang nakararaan nang maitala ang outbreak sa ASF sa Don Marcelino, Davao Occidental at maging sa ilang barangay sa Calinan sa Davao City