Nakapagtala ang Davao Region ng karagdagang 178 na kaso ng COVID-19 variant kabilang ang Delta.
Pumalo sa 265 ang bilang ng bagong COVID-19 variant sa rehiyon.
48 ay Alpha habang 128 naman ang Beta.
Sa kaso naman ng mas nakahahawang Delta variant, dalawa ang nadagdag at ito ay sa lungsod ng Davao.
Nasa isolation facilIty naman na ang mga nasabing kaso ng Delta at nag-iintay ng resulta ng kanilang RT-PCR tests. — sa panulat ni Rex Espiritu.