Niyanig ng magnitude 4.7 na lindol ang Davao del Sur, kaninang madaling araw.
Sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, tumama ang lindol bandang alas-1:33 sa layong 14 na kilometro sa kanluran ng Davao City.
Ayon PHIVOLCS, ang lindol ay may lalim na 17 kilometro at tectonic in origin.
Naramdaman naman ang intensity 4 sa Davao City, intensity 3 sa Kidapawan City, at intensity 1 sa General Santos City.
Una rito, niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang Davao Oriental bandang alas-12:58 sa silangan ng bayan ng Tarragona.
Wala namang naitalang pinsala at wala ring aftershocks sa mga naturang lindol.
By Jelbert Perdez