Nagbitiw na sa kanyang pwesto si Davao City Vice Mayor Paolo Duterte.
Binasa ng Bise Alkalde ang kanyang resignation letter sa kalagitnaan ng ginanap na special session ng city council.
Tinukoy ni Duterte na dahil sa delicadeza kaya siya bumababa sa kanyang pwesto kasunod ng pagkakakaldkad ng kanyang pangalan sa smuggling sa Bureau of Customs o BOCat ang pinakabagong kontrobersiyal na pagtatalo nila ng kanyang anak sa unang asawa na si Isabelle.
Siya umano ang responsable sa anumang problema na idinudulot ng kanyang pagkakamali na pag-aasawa ng maaga.
Sa gitna nito ay nagpasalamat naman Duterte sa pagsuporta ng mga Davaoeños sa kanya.
Matatandaang nagkainitan ang mag – ama matapos na pagalitan ng Bise Alkalde ang anak sa social media kung saan sinabihan nito ang anak na walang respeto at hinimok na baguhin na lamang ang apelyido nito.
—-