Binalaan ni Davao City Health Officer Josephine Villafuerte ang mga dabawenyos na iwasan munang mag-swimming sa Davao River, gayundin sa mga public swimming pools sa lungsod.
Ginawa ni Villafuerte ang babala makaraang magpositibo sa polio virus ang nabanggit na ilog.
Magugunitang kinumpirma ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang presensya ng polio virus sa Davao River kasunod ng ginawang sampling at testing noong Agosto 22 ng taong kasalukuyan.
Dahil dito, puspusan ang ikakasang information drive ng city health office upang mailayo sa panganib ang mga residente laban sa naturang virus.