Nakatakdang italaga bilang bagong pangulo ng World Bank si David Malpass.
Si Malpass ay dating senior U.S Treasury official ng administrasyon ni U.S President Donald Trump at dati na ring miyembro ng board ng World Bank.
Magsisimula ang bagong termino ni Malpass sa Martes makaraang mag-resign si dating world bank president Jim Yong Kim na tumagal lamang ng halos tatlong taon sa pwesto.
Ayon kay Malpass, isa sa kanyang magiging misyon sa kanyang panunungkulan ang pagtulong sa mga mahihrap na bansa sa pamamagitan ng tamang loan agreement.
Samantala magugunitang una nang inulan ng batikos ang nominasyon ni Trump kay Malpass lalo’t kilala ito sa kanyang mga puna sa international affairs ng ilang global financial institutions.