Pormal na inihain ni dating Chief Justice Hilario Davide Jr. sa Judicial Bar Council ang kanyang nominasyon kay Acting Chief Justice Antonio Carpio para maging susunod na punong mahistrado ng Korte Suprema.
Ito ay sa kabila ng paulit-ulit na pagtanggi ni Carpio na tanggapin ang anumang nominasyon sa kanya sa naturang puwesto.
Sa kanyang liham sa JBC, sinabi ni Davide na umaasa siyang babawiin ni Carpio ang nauna nitong pahayag.
Paliwanag pa ni Davide, hindi dapat tanggihan ni Carpio ang nominasyon sa kanya dahil hindi naman maituturing na responsable siya sa pagpapatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno dahil real at lawful aniya ito.
Dagdag pa ni Davide, hindi dapat manaig sa kagustuhan ng karamihan at interes ng publiko ang personal na damdamain.