Pursigido ang mga awtoridad sa Mindanao na tugisin ang mga nalalabing miyembro ng mga terroristang grupo lalo’t marami nang bayan ang kumukondena sa Dawlah Islamiyah gayundin sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).
Ito’y ayon kay Joint Task Force Central Commander M/Gen. Juvymax Uy kasunod ng pagkakaaresto ng pinagsanib na puwersa ng Militar at PUlisya sa itinuturong utak ng pagpapasabog at panununog ng 2 bus sa North Cotabato nito lamang Enero.
Ayon kay Uy, batay sa ulat sa kaniya ni 602nd Infantry Brigade Commander B/Gen. Roberto Capulong, nakilala ang naareestong suspek na si Ali Akbar
Naaresto si Akbar sa Purok 3, Brgy. East Patadon sa Kidapawan City sa bisa ng warrant of arrest na inilabas ng North Cotabato Regional Trial Court Branch 23 para sa kasong double murder at multiple frustrated murder.
Nakuha sa pag-iingat ni Akbar ang 2 Improvised Explosive Device (IED), 1 blasting cap, iba pang sangkap sa pampsabog at watawat ng ISIS.
Si Akbar ang itinuturong nasa likod ng pagpapasabog sa Yellow Bus Line bus sa Tulunan, North Cotabato noong January 27, 2021 na pumatay sa isang sibilyan at panunog ng isa pang YBL bus sa M’Lang, North Cotabato nitong June 3, 2021 na kumitil sa buhay ng 3 na sibilyan.
Maliban sa pagiging eksperto sa paggawa ng improvised explosive device expert, si Akbar ay isa ring extortionist ng Hassan Group ng Dawlah Islam. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)
https://twitter.com/jaymarkdagala/status/1407118335305682947