Mananatiling bukas sa May 9 elections ang mga daycare centers na pinatatakbo ng mga lokal na pamahalaan para mabigyan ng pagkakataong makaboto ang mga nanay.
Batay sa tatlong-pahinang resolusyon, inatasan ng Commission on Elections o Comelec ang lahat ng mga LGUs na panatilihing bukas ang daycare centers sa kani-kanilang lugar kung saan maaaring iwan doon ang mga bata upang makaboto ang mga magulang.
Binanggit din ng poll body na dapat bukas ang mga nasabing pasilidad mula alas-6 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi sa mismong araw ng eleksyon.