Nais ding lumantad ng iba pang testigo sa umano’y dayaan sa nakaraang eleksyon.
Ayon kay Pastor Boy Saycon, bukod sa Tatlong nauna nang nagpunta sa senado kahapon, nagpahiwatig din sa kanya ang iba pang nagsagawa ng parehong operasyon tulad ng nangyari sa Quezon Province.
Nagsagawa, aniya, ng operasyon sa Tarlac ang mga panibagong testigo.
Sinabi ni Saycon na sa isinagawang operasyon sa Quezon province, hindi lang ang mga boto para sa Bise Presidente ang minanipula kundi maging ang mga boto para sa mga Senador at Partylist.
Ginawa umano ang pandaraya sa isang gusali sa Lucena City gamit ang isang makina na pinapasukan ng Compact Flash Cards.
Kapag naipasok na raw ang CF cards, nagkakaroon ng reconfiguration at kapag nabago na ang laman nito, ifoforward ito sa SMARTMATIC na siyang magbabato sa server.
By: Avee Divierte