Binigyang-diin ng isang grupo ang pangangailan ng dialogo sa pagitan ng mga manggagawa at employers na apektado rin ng inflation.
Ayon kay International Labor Organization (ILO) Project Manager Bryan Balco, isa itong magandang oportunidad na mahikayat ang mga nasabing indibidwal na magkaroon ng social dialogue kung paano makabubuo ng mga hakbang upang maprotektahan ang mga trabaho.
Kabilang din ang sahod ng mga empleyado at pagpapaigitng ng negosyo.
Bagama’t inaprubahan aniya ang pagtaas ng sahod sa unang bahagi ng taong ito, ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay nakakaapekto sa kakayahang bumili ng mga manggagawang Pilipino.