Inaprubahan ng House Committee on Economic Affairs ang House Bill No. 7750 o ang Daylight Saving Time Act.
Sa ilalim ng nasabing panukala, bibigyan ng kapangyarihan ang presidente na i-advance ng isang oras ang Philippine Standard Time sa unang anim na buwan ng taon; at nakatakda naman itong ibalik sa dating oras sa huling bahagi ng taon.
Layunin nito na gawing mas maging produktibo ang labor at educational sector, partikular sa mga panahong nagagambala ang oras ng pasok tuwing panahon ng tag-ulan.