Inaresto ng mga otoridad ang isang dayuhang Chinese makaraang mahulihan ng baril at bala sa Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang suspek na si Zhen Tian Chen, 29-anyos na nagtatrabaho sa isang Industrial company sa nabanggit na lugar.
Ayon sa dalawang sekyu na nagbabantay sa lugar, napansin nilang nakabukol sa gilid ng bewang ni Zhen ang isang “revolber 22” kasama ng 14 na piraso ng bala.
Nasa kustodiya na ng Bacoor PNP ang suspek na sinampahan ng reklamong paglabag sa Republic Act. 10591 o Comprehensive Law on fireaRms and Ammunition. —sa panulat ni Angelica Doctolero