Pinagtibay ng Court of Appeals ang ipinataw na guilty ng mababang hukuman laban sa isang dayuhan sa kasong pang-momolestiya sa tatlong bata sa Puerto Galera, Oriental Mindoro noong 2003.
Sa desisyon ng 2nd Divison ng CA, kinatigan nito ang hatol ng Muntinlupa RTC Branch 227 kay Paul Anderson na pagkabilanggo ng halos 20 para sa 2 counts of rape at higit 12 taon sa pang-momolestiya sa tatlong biktima.
Inatasan din ng appeallate court si Anderson na bayaran ng P200,000 bilang danyos ang tatlong biktima na noon ay edad walo, 11 at 9 pa lamang.
Kasama ni Anderson nang maganap ang krimen ang isa pang banyagang akusado na si Rainier Farenhorst na nadismiss naman ang kaso dahil sa pagpanaw nito.
By Bert Mozo / Drew Nacino