Ipinahayag ng Bureau of Immigration (BI) na nakibahagi ang mahigit 130K foreign nationals sa isinagawang taunang ulat ng mga dayuhan ngayong taon.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ang taunang pag-uulat ng mga dayuhan ay isinasagawa sa unang 60 araw ng kalendaryo ng bawat taon alinsunod sa mga probisyon ng Alien Registration Act of 1950.
Nabatid na may kabuuang 133,557 na dayuhang may hawak ng valid na immigrant at non-immigrant visa ang lumahok sa 2022 annual report.
Samantala, sinabi naman ni BI Alien Registration Chief Atty. Jose Carlitos Licas na ang bilang ng mga reportees ay bahagyang mas mataas kaysa sa 130,148 noong nakaraang taon. – sa panulat ni Mara Valle