Isang dayuhang domestic worker sa Hong Kong ang nagpositibo sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).
Ito ang kinumpirma ng Pamela Youde Nethersole Eastern Hospital sa Chai Wan kung saan naka-admit ang nabanggit na pasyente.
Gayunman, tumanggi ang ospital na ihayag ang nationality ng domestic worker alinsunod na rin sa umiiral na privacy law sa Hong Kong.
Ito na ang kauna-unahang napaulat na kaso ng pagkahawa sa COVID-19 ng isang domestic worker sa lungsod.
Una nang nagpatupad ng travel ban ang Pilipinas sa Hong Kong dahil sa COVID-19 na inaalmahan ng mga grupo ng mga manggagawang Pinoy doon.