Naglagak ang Macquarie Infrastructure Management at Arran ng P65 Billion Investment sa sektor ng enerhiya sa bansa.
Ayon kay Finance Secretary Carlos Dominguez, pahiwatig ito ng pagtitiwala ng mga foreign investor sa Administrasyong Duterte.
Ang Macquarie Infrastructure Investment ay isa sa pinakamalaking infrastructure asset managers sa mundo, habang ang Arran ay affiliate ng pinakamalaking global investor sa mundo ang, GIC, mula sa Singapore.
Nais ng Macquire at Arran na bilhin ang 31.7 percent share ng Energy Development Corporation sa halagang 1.3 billion Dollars o 65 Billion Pesos.
By: Meann Tanbio
SMW: RPE