Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for the management of emerging infectious diseases ang pagpayag sa pagpapasok sa bansa ng mga dayuhang may asawa o anak sa Pilipinas simula Disyembre 7.
Batay sa mandato ng IATF pwede na rin ang pagbyahe sa bansa ng mga dating Filipino citizen, pamilya nito at pati ang mga bata kasabay ng pagluwag ng travel restrictions ng bansa.
Kinakailangan lamang sumailalim sa COVID-19 test na may laboratory test sa airport at ang pre-arrange booking kasama na ang quarantine facility. —sa panulat ni Agustina Nolasco