Obligado nang sumalang sa 21 araw na mandatory quarantine ang lahat ng mga dayuhang galing sa labas ng China na papasok sa Hong Kong.
Sinasabing ginawa ang nabanggit na hakbang kasunod ng natuklasang bagong variant o uri ng novel coronavirus sa South Africa at United Kingdom.
Pinagbabawalan ding pumasok sa HK ang mga taong galing South Africa o nanatili roon sa nakalipas na 21 araw.
Maliban dito, wala na ring pinapayagang flights mula UK simula nitong Lunes matapos makitaan ng umano’y sintomas ng bagong strain ang 2 estudyante na kauuwi lamang galing sa naturang bansa.