Magaling na sa sakit na Middle East Respiratory Syndrome Corona Virus (MERS-CoV) ang dayuhang unang nag-positibo sa naturang sakit.
Ayon kay Health Spokesman Dr. Lyndon Lee Suy, posibleng ngayong weekend ay makalabas na ng Research Institute for Tropical Medicine o RITM ang ‘di pinangalanang foreigner.
Kaugnay nito, nilinaw ni Lee Suy na hindi na nagtataglay ng virus ang dayuhang pasyente kaya’t hindi na aniya dapat mangamba na makahawa pa ito.
Samantala, patuloy namang inoobserbahan ng mga doktor ang kasama ng dayuhan kahit pa nag-negatibo na ito sa mga test ukol sa MERS-CoV.
By Ralph Obina