Nagnegatibo sa novel coronavirus (nCoV) ang isang dayuhan na sumailalim sa mga laboratory tests sa Camiguin Provincial Hospital.
Ayon sa Department of Health (DOH), galing ang dayuhan sa Wuhan, China bago nakarating sa Camiguin para magbakasyon.
Nagpakita ito ng mga sintomas ng sakit katulad ng lagnat at ubo at boluntaryong nagtungo sa ospital.
Paliwanag ng Health Department, hindi na ito sasailalim sa confirmatory test dahil nagnegatibo ito sa initial test.